Follow Us

Wednesday, August 29, 2012

CDOToday Admin

Ang Tunay na Sosyal at ang Pa-sosyal


Ang tunay na sosyal ay hindi alam ang pamasahe sa jeep.
Ang pa-sosyal, alam ang pamasahe sa jeep, pero nagtatanong pa rin kung magkano dahil baka bumaba na ang pamasahe at baka pwede makatipid.

Ang tunay na sosyal, di na tinatanong kung magkano ang total ng bill sa restaurant after eating, bigay nalang deretso ng card or kaya cash na malaki.
Ang pa-sosyal, sinisigurong ibabalik ang sukli kahit piso nalang ito at pinapabalot pa ang mga tirang pagkain.

Ang tunay na sosyal ay hindi palaging naka tambay sa mall.
Ang pa-sosyal, kailangan tumambay sa mall... kasi walang aircon sa kanilang bahay.

Ang tunay na sosyal, original designer clothes ang mga sinusuot na damit.
Ang pa-sosyal, original designer clothes din ang damit, galing lang sa ukay-ukay.

Ang tunay na sosyal, maraming gadgets pero iniiwan lagi sa bahay.
Ang pa-sosyal, ginawang accessories ang mga gadgets na nabili sa second hand shops.

Ang tunay na sosyal, pag pumupunta ng bar, hindi nagtatagal sa iisang bar.
Ang pa-sosyal, sinasagad ang entrance fee at free drinks.

Ang tunay na sosyal, walang paki-alam sa ibang tao.
Ang pa-sosyal ay chismosa!

Ang tunay na sosyal di alam ang mga programa sa TV.
Ang pa-sosyal, updated sa mga showbiz happenings at telenobela shows.

Ang tunay na sosyal, pag may artista tumitingin lang at steady lang or tuloy lang sa ginagawa.
Ang pa-sosyal, di pwedeng wala silang picture together ni artista.

Ang tunay na sosyal, hindi nag-unlitxt at unlicall promo sa cellphone
Ang pa-sosyal, may listahan ng keywords and numbers to text para sa mga unli promos.


Ilan lang ito sa mga palatandaan ng isang katkatera/pa-sosyal. Pero mayroon din naman itong mga exceptions dahil, hindi naman lahat ng tinamaan sa mga nakalista ay pa-sosyal na agad. Ang mga nakalista lang ay ilan sa mga traits na nakikita sa isang pa-sosyal/katkatera!

Don't worry kung tinamaan ka, tinamaan din naman ako ng mga ito eh, dahil ako ay isang pa-sosyal!

Bato-bato sa langit ang tamaan ay siguradong mabubukulan, Peace!

Subscribe to this Blog via Email :